Mga pamantayan ng content
Mga guideline at pamantayan para sa reviews
Ang aming mga guideline at pamantayan ng content sa ibaba ay naglalayong panatilihing may kaugnayan at naaangkop ang content sa Booking.com para sa global audience, pero hindi nililimitahan ang pagpapahayag ng matitinding opinyon. Maga-apply ang mga ito kahit na positibo o negatibo ang damdamin ng comment.
Dapat may kaugnayan sa travel ang mga contribution
Ang pinakanakakatulong na contribution ay ang detalyado at nakakatulong sa iba na gumawa ng tamang desisyon. Huwag magsama ng personal, political, ethical, o religious na mga comment. Tatanggalin ang promotional content, at kailangang ipadaan sa aming Customer Service o Accommodation Service teams ang mga issue na may kinalaman sa services ng Booking.com.
Dapat naaangkop ang mga contribution para sa global audience
Hindi pinapayagan ang mga comment o media na may kasamang "hate speech", mga pahayag na may diskriminasyon, mga pagbabanta, mga pahayag na may tahasang sexual content, karahasan, at pagpapalaganap ng mga iligal na gawain.
Dapat tunay at kakaiba sa guest ang lahat ng content
Napakahalaga ng reviews kapag original at walang kinikilingan ang mga ito. Dapat sa ‘yo ang contribution. Hindi dapat mag-post ang mga property partner ng Booking.com sa ngalan ng mga guest o mag-alok ng mga incentive kapalit ng reviews. Hindi pinapahintulutan ang anumang pagtatangka na pababain ang rating ng competitor sa pamamagitan ng pagpasa ng negative reviews.
Paggalang sa privacy ng iba
Iwasang magsama ng personal data, tulad ng mga pangalan at apelyido, phone number, email address, at iba pang impormasyon tungkol sa ibang tao sa iyong mga post.
Paggalang sa intellectual property
Tiyaking ikaw ang may-ari o may karapatan kang gumamit ng anumang intellectual property right na maaaring umiiral sa content na ipo-post mo, partikular na sa images.