Pumunta na sa main content
I-print / i-save

Privacy at Cookie Statement

Privacy Statement

Setyembre 5, 2024

Una, mahalaga sa amin ang privacy mo. Maaaring ito ang karaniwang sinasabi ng mga notice na ganito, pero seryoso kami rito. Pinagkatiwalaan mo kami sa paggamit ng Booking.com services at pinapahalagahan namin ang tiwalang iyon. Kaya naman, nais naming protektahan at pangalagaan ang iyong personal data. Kumikilos kami ayon sa best interest ng aming mga customer at transparent kami sa pagproseso ng iyong personal data.

Isinasalarawan sa dokumentong ito (“ang Privacy Statement” o “aming Privacy Statement”) kung paano namin ginagamit at pinoproseso ang iyong personal data, sa paraang madaling basahin at malinaw. Sinasabi rin nito sa iyo kung ano ang mga karapatan na puwede mong gamitin na may kaugnayan sa iyong personal data at kung paano mo kami makokontak. Basahin din ang aming Cookie Statement, na sinasabi sa iyo kung paano ginagamit ng Booking.com ang cookies at ibang mga katulad na tracking technology.

Kung nagamit mo na dati ang Booking.com, alam mong nag-aalok kami ng online travel-related services sa pamamagitan ng aming mga website at mobile app, pati na sa ibang online platforms tulad ng mga website at social media ng mga partner. Gusto naming ituro na ang lahat ng impormasyong babasahin mo ay karaniwang naka-apply sa lahat ng platform na ito.

Sa katunayan, naga-apply ang nag-iisang privacy statement na ito sa anumang uri ng customer information na kinokolekta namin sa pamamagitan ng lahat ng platform na nasa itaas o gamit ang ibang mga paraan na konektado sa mga platform na ito.

Kung isa ka sa aming mga business partner, siguraduhing tingnan din ang aming Privacy Statement para sa Business Partners para maintindihan kung paano pa napoproseso ang personal data bilang bahagi ng business relationship.

Maaari naming baguhin paminsan-minsan ang Privacy Statement na ito kaya inirerekomenda naming puntahan ang page na ito sa iba’t ibang panahon para masiguradong alam mo ang iyong posisyon. Kung gumawa kami ng anumang update sa Privacy Statement na ito na makakaapekto sa iyo nang malaki, aabisuhan ka namin tungkol sa mga pagbabago bago magsimula ang anumang bagong activity.

Terms na ginagamit namin sa Privacy Statement na ito

Ibig sabihin ng “Trip” ay ang iba’t ibang travel product at service na puwede mong i-order, kuhanin, i-purchase, bilhin, bayaran, rentahan, ibigay, i-reserve, i-combine, o lubusin na mula sa Trip Provider.

Ibig sabihin ng “Trip Provider” ay ang tagabigay ng accommodation (halimbawa: hotel, motel, apartment, bed and breakfast, landlord), attractions (halimbawa: (theme) parks, museums, sightseeing tours), transportation provider (halimbawa: car rentals, cruises, rail, airport rides, couch tours, transfers), tour operators, travel insurances, at iba pang travel o kaugnay na product o service na available paminsan-minsan para sa Trip Reservation sa platform.

Ibig sabihin ng “Trip Service” ay ang online purchase, order, (facilitated) payment o reservation service na inalok o na-enable ng Booking.com na may kinalaman sa iba’t ibang product at service na ginawang available paminsan-minsan para sa Trip Providers sa platform.

Ibig sabihin ng “Trip Reservation” ay ang pag-order, pag-purchase, pagbayad, pag-book, o pag-reserve ng Trip.


Ano ang uri ng personal data na kinokolekta ng Booking.com?

Hindi ka namin matutulungang i-book ang perfect Trip kung walang impormasyon, kaya kung gagamitin mo ang aming services may ilang bagay kaming hihingin. Karaniwang routine information lang ito – ang iyong pangalan, preferred contact details, mga pangalan ng taong kasama mong mag-travel, at iyong payment information. Maaaring magpasya ka ring ipasa ang karagdagang impormasyong kaugnay ng iyong paparating na Trip (halimbawa, ang inaasahan mong oras ng pagdating).

Dagdag pa rito, kinokolekta rin namin ang impormasyon na mula sa computer, phone, tablet, o ibang mga device na ginagamit mo para i-access ang aming services. Kasama rito ang IP address, ang browser na iyong ginagamit, at language settings mo. May mga pagkakataon ding nakakatanggap kami ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa iba o kapag automatic naming kinokolekta ang ibang impormasyon.

Ito ang general overview pero kung gusto mong malaman ang iba pang impormasyon na aming kinokolekta, ibibigay namin ang karagdagang detalye sa ibaba.

Basahin ang detalye tungkol sa personal data na kinokolekta namin

Bakit kinokolekta at ginagamit ng Booking.com ang iyong personal data?

Ang pangunahing layunin kung bakit namin hinihingi ang iyong personal details ay para tulungan kang ayusin ang iyong online Trip Reservations at masigurong makuha mo ang posibleng best service.

Ginagamit din namin ang iyong personal data para kontakin ka tungkol sa pinakabagong deals at ibang products at services na tingin namin na magugustuhan mo. May iba pa itong gamit. Kung gusto mong malaman kung ano ang mga ito, magpatuloy sa pagbabasa para sa karagdagang pagpapaliwanag.

Basahin ang detalye kung bakit kinokolekta ng Booking.com ang iyong data

Paano ibinabahagi ng Booking.com ang iyong data sa mga third party?

Iba-ibang party ang naka-integrate sa services ng Booking.com, para sa iba’t ibang paraan at iba’t ibang dahilan. Ang pangunahing dahilan kung bakit namin ibinabahagi ang iyong data ay para magbigay sa Trip Provider ng nauugnay na impormasyon para kumpletuhin ang iyong Trip Reservation.

Isinasama rin namin ang ibang mga party para mabigyan ka ng Booking.com services. Kasama rito, halimbawa, ang financial institutions, advertisers, subsidiaries ng Booking.com corporate group at ibang mga company na bumubuo sa Booking.com Holdings Inc. corporate group. O sa ilang pagkakataon, kung hinihingi ng batas, maaaring ibahagi namin ang iyong data sa gobyerno o ibang mga otoridad.

Sa ibaba, makikita ang detalye kung paano ang paggamit at pakikipagpalit sa mga party ng impormasyong ibinabahagi mo sa amin.

Basahin ang detalye kung paano ibinabahagi ang data sa mga third party

Paano ibinabahagi ang iyong personal data sa Booking Holdings Inc. corporate group?

Bahagi ang Booking.com ng Booking Holdings Inc. corporate group. Magbasa pa para malaman kung paano pa maaaring naibahagi ang iyong data sa loob ng Booking Holdings Inc. corporate group.

Basahin ang detalye tungkol sa data na nasa Booking Holdings Inc.

Paano ibinabahagi at higit na pinoproseso ang iyong personal data para sa ground transportation services?

Ang Booking.com at Rentalcars.com – na bahagi rin ng Booking Holdings Inc. group of companies – ay magkasamang ginagamit ang iyong data para mag-alok sa iyo ng ground transportation services gamit ang mga Booking.com website at app (tulad ng cars.booking.com o taxi.booking.com). Magbasa pa para maintindihan ang saklaw at limitasyon ng aming pinagsamang responsibilidad.

Basahin ang detalye tungkol sa data at aming ground transportation services

Paano ibinabahagi at higit na pinoproseso ang iyong personal data para sa insurance services?

Nakikipagtulungan kami sa iba’t ibang party kapag nag-aalok ng insurance services. Sundan ang link sa ibaba para maintindihan kung paano ginagamit at ibinabahagi ang iyong data para sa mga layunin ng insurance at malaman ang tungkol sa mga responsibilidad ng mga kasaling party.

Basahin ang detalye tungkol sa data at insurance products at services

Paano pinoproseso ng Booking.com ang mga komunikasyon na maaaring ipadala mo at ng iyong Trip Provider gamit ang Booking.com?

Matutulungan ka at Trip Providers ng Booking.com sa pagpapalitan ng impormasyon at mga request tungkol sa services at existing Trip Reservations, sa pamamagitan ng Booking.com platform. Kung gusto mong malaman kung paano tinatanggap at inaasikaso ng Booking.com ang mga komunikasyong ito, magbasa pa rito.

Basahin ang detalye kung paano pinoproseso ang mga komunikasyong ito

Paano ginagamit ng Booking.com ang mga mobile device?

Nag-aalok kami ng libreng apps, kung saan kumokolekta at nagpoproseso rin kami ng personal data. Gumagana ito na katulad nang sa aming website, pero hinahayaan ka nilang mag-benefit mula sa location services na available sa (mga) mobile device mo.

Basahin ang detalye kung paano namin ginagamit ang data mula sa mga mobile device

Paano ginagamit ng Booking.com ang social media?

Maaaring i-integrate ang paggamit ng social media sa Booking.com services sa iba’t ibang paraan. Kasama rito ang pagkolekta namin ng ilan sa iyong personal data o ang pagtanggap ng social media provider ng ilan sa iyong impormasyon. Hindi kami gumagamit ng WhatsApp o kaparehong third-party services para mag-request ng mga booking o payment confirmation.

Basahin ang detalye tungkol sa kung paano namin ginagamit ang social media data

Paano ginagamit ng Booking.com ang artifical intelligence at gumagawa ng mga automated na desisyon?

Palaging naghahanap ang Booking.com ng mga pagkakataon para magbago at ma-improve ng services na inaalok sa 'yo. Sa ilang pagkakataon, maaaring gumamit kami ng mga bagong technology tulad ng Artificial Intelligence (AI) at mga decision automation system.

Magbasa pa tungkol sa kung paano kami gumagamit ng AI at gumagawa ng mga automated na desisyon

Ano ang mga security at retention procedure na inilagay ng Booking.com para pangalagaan ang iyong personal data?

Nag-implement kami ng iba’t ibang procedure para maiwasan ang hindi authorized access sa, at ang hindi wastong paggamit ng, personal data na pinoproseso namin.

Basahin ang detalye tungkol sa mga security at retention procedure

Paano inaasikaso ng Booking.com ang personal data ng mga bata?

Maliban na lang kung hindi sinabi, magagamit mo lang ang Booking.com service kung mahigit 18 taong gulang ka na. Pinoproseso lang namin ang impormasyon tungkol sa mga bata kung may consent ng kanilang mga magulang at legal guardian, o kung ibinahagi mismo ng mga magulang o legal guardian ang impormasyon.

Basahin ang detalye tungkol sa personal data ng wala pang 18 taong gulang

Paano mo makokontrol ang personal data na ibinigay mo sa Booking.com?

Isa sa mga karapatan mo ang karapatang i-review ang personal data na tinatago namin tungkol sa iyo anumang oras at humiling ng access o pagtanggal sa iyong personal data sa pamamagitan ng pagpasa ng form na ito. Kung gusto mong malaman ang tungkol sa karapatan mong makontrol ang iyong personal data, magbasa pa.

Basahin ang detalye kung paano mo makokontrol ang iyong personal data

Sino ang may responsibilidad sa pagproseso ng personal data sa Booking.com website at apps?

Ang Booking.com B.V. na matatagpuan sa Amsterdam, Netherlands ang kumokontrol sa pagpoproseso ng personal data para sa paglalaan ng services nito. Kasama roon ang mga website at mobile app nito, pero hindi kasama ang ilang exception na nilinaw sa privacy statement na ito.

Basahin ang detalye tungkol sa responsibilidad ng Booking.com B.V. para sa personal data

Mga provision na partikular sa bansa

Depende sa batas na naka-apply sa iyo, maaaring kailanganin naming magbigay ng ilang karagdagang impormasyon. Kung naaangkop, may makikita kang karagdagang impormasyon para sa iyong bansa o rehiyon sa ibaba.

Basahin ang detalye tungkol sa mga provision na partikular sa bansa


Ano ang uri ng personal data na kinokolekta ng Booking.com?

Kung naghahanap ka pa ng ilang detalyadong impormasyon. Narito ang mas masinsinang pagpapaliwanag sa kung ano ang kinokolekta namin.

Ang personal data na ibinibigay mo sa amin.

Kinokolekta at ginagamit ng Booking.com ang impormasyong ibinibigay mo sa amin. Kapag gumawa ka ng Trip Reservation, hihingin (bilang panimula) ang iyong pangalan at email address.

Depende sa Trip Reservation, puwede rin naming hingin ang iyong home address, telephone number, payment information, birthdate, kasalukuyang lokasyon (sa kaso ng mga on-demand service), mga pangalan ng taong kasama mong mag-travel, at anumang preference na maaaring mayroon ka para sa iyong Trip (tulad ng dietary o accessibility requirements). Sa ilang pagkakataon, maaaring puwede ka ring mag-check in online gamit ang Trip Provider, kung saan hihilingin namin sa iyo na ibahagi ang passport information o driver’s license at mga signature.

Kung kailangan mong makausap ang aming Customer Service team, kontakin ang aming Trip Provider sa pamamagitan namin, o makipag-ugnayan sa amin sa ibang paraan (tulad ng social media o gamit ang chatbot), kokolektahin din namin doon ang impormasyon mula sa iyo. Maga-apply ito kahit na kinokontak mo kami dahil sa feedback o humihingi ng tulong gamit ang aming services.

Maaaring maimbitahan ka ring magsulat ng mga review para matulungang ipaalam sa iba ang tungkol sa naging mga experience mo sa iyong Trip. Kapag nagsulat ka ng review sa Booking.com platform, kokolektahin namin ang anumang impormasyong isinama mo, kasama ang iyong pangalan at avatar (kung may pinili ka).

May ibang mga pagkakataon ding ikaw ang magbibigay ng impormasyon sa amin. Halimbawa, kung ginagamit mo ang iyong mobile device para mag-browse, puwede kang magpasya na payagan ang Booking.com na makita ang kasalukuyan mong lokasyon o bigyan kami ng access sa iyong contact details. Matutulungan kami nitong bigyan ka ng posibleng best service at experience, halimbawa, para ipakita sa ‘yo ang aming city guides, mag-suggest ng pinakamalalapit na restaurant o attraction sa lokasyon mo, o sa paggawa ng iba pang rekomendasyon.

Kung gumawa ka ng user account, itatago rin namin ang iyong personal settings, na-upload na photos, at reviews ng mga nakaraang booking doon. Magagamit ang na-save na data na ito para tulungan kang planuhin at i-manage ang mga susunod mong Trip Reservations o mga personalized na recommendation o benefit mula sa iba pang feature na available lang sa mga account holder (tulad ng incentives at ibang benefits).

Mapipili mo ring magdagdag ng mga detalye mula sa iyong mga dokumento ng pagkakakilanlan sa mga user account mo, para hindi mo na kailangang ipasa ang impormasyong ito para sa bawat indibidwal na Trip Reservation.

Maaari kaming mag-alok ng referral programs o sweepstakes, at ang pagsali sa mga ito ay nangangahulugan ng pagbibigay sa amin ng nauugnay na personal data.

Ang personal data na ibinibigay mo sa amin tungkol sa iba.

Kung mayroon kang Booking.com for Business account, puwede kang magtago ng address book doon para mas madaling magplano at mag-manage ng mga business travel arrangement para sa iba.

Kung gagawa ka ng Trip Reservation para sa ibang tao o mga tao o kasama ng iba, maaari kang mag-share ng personal data tungkol sa iba kaugnay ng Trip Reservation.

Sa ilang pagkakataon, maaari mong gamitin ang Booking.com para magbahagi ng impormasyon sa iba. Puwedeng sa paraan ito ng pagbabahagi ng gustong puntahan, o pagsali sa referral program, tulad ng inilarawan nang gamitin mo ang nauugnay na feature.

Sa puntong ito, kailangan naming linawin na responsibilidad mong masigurong alam ng tao o mga taong ibinahagi mo ang personal data na ginawa mo ito, at naintindihan nila kung paano ginagamit ng Booking.com ang kanilang impormasyon (tulad ng inilarawan sa Privacy Statement na ito).

Automatic naming kinokolekta ang personal data.

Kung makumpleto mo o hindi ang paggawa ng Trip Reservation, automatic kaming kumokolekta ng ilang impormasyon kapag binisita mo ang aming mga website at app. Kasama rito ang iyong IP address, ang date at oras na in-access mo ang aming services, at impormasyon tungkol sa hardware at software ng iyong computer (tulad ng operating system, ginamit na internet browser, software/application version data, at language settings mo). Kinokolekta rin namin ang impormasyon tungkol sa clicks at aling mga page ang naipakita sa iyo, halimbawa sa pamamagitan ng cookies na nai-drop namin.

Kung gumagamit ka ng mobile device, kinokolekta namin ang data na tumutukoy sa device, pati na ang data tungkol sa device-specific settings at mga katangian, pag-crash ng app, at ibang system activity. Kapag gumawa ka ng Trip Reservation gamit ang uri ng device na ito, nire-register ng aming system kung paano mo ginawa ang iyong reservation (sa aling website), at/o sa aling website ka nagmula nang pumasok ka sa Booking.com website o app.

Personal data na natanggap namin mula sa ibang mga source.

Hindi lang ito mga bagay na sinasabi mo sa amin, pero, maaari din kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa iba pang source. Puwedeng kasama sa mga ito ang business partners, tulad ng affiliate partners, subsidiaries ng Booking.com corporate group, ibang companies sa Booking Holdings Inc. corporate group, at iba pang independent na third party.

Ang impormasyong natanggap namin mula sa mga partner na ito ay maaaring ginamit kasama ng iba pang impormasyong ibinigay mo. Halimbawa, ang Booking.com Trip Reservation services ay hindi lang ginagawang available gamit ang Booking.com at sa mga Booking.com app, kundi naka-integrate rin ito sa services ng mga affiliate partner na mahahanap online. Kapag ginamit mo ang anuman sa services na ito, maaari kaming makatanggap ng data tungkol sa iyong Trip Reservation mula sa aming mga affiliate partner.

Ini-integrate rin namin ang third party service providers para mag-asikaso ng payments sa pagitan mo at ng Trip Providers. Ang service providers na ito ang nagbibigay ng payment information para maasikaso at mapanghawakan namin ang Trip Reservation mo.

Bukod pa rito, kumokolekta kami ng impormasyon kahit sa nakakalungkot na sitwasyon tulad ng pagtanggap namin ng reklamo tungkol sa ‘yo mula sa Trip Provider, halimbawa, sa kaso ng hindi tamang pag-asal. Pagdating sa mga concern sa integridad at/o mga insidente sa kaligtasan laban sa aming guests, partners, o Booking.com, nangongolekta ang Booking.com ng impormasyon mula sa mga available na pampublikong mapagkukunan para maiwasan o ma-detect ang pinsala. Hindi namin mapipigilan na maaaring maglaman ng mga special category ng personal data ang ilan sa impormasyong iyon.

Isa pang paraan na maaari kaming makatanggap ng data tungkol sa ‘yo ay sa pamamagitan ng communication services na naka-integrate sa aming mga platform. Inaalok ka ng communication services na ito ng paraan para makontak ang Trip Provider na na-book mo para pag-usapan ang iyong stay. Sa ilang pagkakataon, makakatanggap kami ng metadata tungkol sa communication activities na ito (tulad ng kung sino ka, kung saan ka tumawag, at date at haba ng tawag).

Maaari din kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa ‘yo para maipakita sa iyo ang mas maraming nauugnay na ads, tulad ng karagdagang cookie data na ginawang available sa amin ng social media partners ng Booking.com. Basahin ang section na Bakit kinokolekta at ginagamit ng Booking.com ang iyong personal data? para sa higit pang impormasyon.

Kapag ni-link mo ang iyong Booking.com user account sa social media account mo, maaaring makapag-trigger ka ng mga pakikipagpalitan ng data sa pagitan ng Booking.com at ng social media provider na iyon. Puwede mo laging piliin na hindi ibahagi ang data na iyon.

Maaaring magbahagi rin ang Trip Providers sa Booking.com ng impormasyon tungkol sa ‘yo. Maaari itong mangyari kapag mayroon kang support questions tungkol sa pending na Trip Reservation, o kung may mga dispute o iba pang issue na mangyari tungkol sa Trip Reservation.


Bakit kinokolekta at ginagamit ng Booking.com ang iyong personal data?

Ginagamit namin ang impormasyong kinokolekta tungkol sa iyo para sa iba't ibang layunin. Ang personal data ay gagamitin sa mga sumusunod na paraan:

  1. Trip Reservations: Unang-una, ginagamit namin ang iyong personal data para makumpleto at mapamahalaan ang iyong online Trip Reservation — na mahalaga para maibigay namin ang service na ito para sa iyo. Kabilang dito ang pagpapadala ng mga komunikasyon sa iyo na nauugnay sa iyong Trip Reservation, tulad ng mga kumpirmasyon (kasama ang, kapag naaangkop, pagbibigay sa iyo ng katibayan ng pag-purchase at/o pagbayad), pagbabago, at paalala. Sa ilang pagkakataon, maaaring kasama rin dito ang pagproseso ng iyong personal data para i-enable ang online check-in sa Trip Provider o pagproseso ng personal data kaugnay ng mga damage deposit.

  2. Customer service: Mayroon kaming international customer service mula sa aming local offices na may mahigit 20 wika, at nandito kami para tumulong 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo. Sa pagbabahagi ng nauugnay na detalye, tulad ng reservation information o impormasyon tungkol sa iyong user account sa aming global Customer Service staff, nakakasagot kami kapag kailangan mo kami. Kasama rito ang pagtulong sa iyo na kontakin ang tamang Trip Provider at sumagot sa anumang tanong na maaaring mayroon ka tungkol sa iyong Trip Reservation (o iba pang tanong, para sa bagay na iyon).

  3. Account facilities: Puwedeng gumawa ng account ang Booking.com users sa aming mga website o app. Ginagamit namin ang impormasyong ibinibigay mo sa amin para i-manage ang account na ito, at hahayaan kang makagawa ng ilang makabuluhang bagay. Puwede mong i-manage ang iyong Trip Reservations, sulitin ang special offers, gumawa ng Trip Reservations sa hinaharap, at i-manage ang personal settings mo.

    Sa pag-manage ng personal settings, nabibigyan ka ng kakayanan na itago at magbahagi ng mga listahan, mag-share ng photos, makita nang madali ang Trip Services na hinanap mo, at mag-check ng kaugnay na travel information na ibinigay mo. Makikita mo rin ang anumang review na naisulat mo.

    Kung gusto mo, puwede kang magbahagi ng ilang impormasyon bilang bahagi ng iyong user account, sa paggawa ng public profile na nasa ilalim ng sarili mong pangalan o screen name na pipiliin mo. Kung naka-log in ka sa iyong account at gusto mong gumawa ng business account, puwede naming gamitin ang pangalan at email address mo para ma-fill up ang sign up form.

    Kung isa kang Booking.com for Business account holder, puwede ka ring mag-save ng contact details sa ilalim ng account na iyon, mag-manage ng business reservations, at mag-link ng iba pang account holder sa parehong Booking.com for Business account.

  4. Online groups: Binibigyan namin ang mga account holder ng pagkakataong kumonekta at mag-interact sa isa’t isa sa pamamagitan ng online groups o forums.

  5. Marketing activities: Ginagamit namin ang iyong contact information, reservation details, account information, browsing data, data sa lokasyon, at mga preference para sa marketing activities. Kasama sa activities na ito ang:

    1. Paggamit ng iyong contact information (nakolekta sa pamamagitan ng cookies at katulad na tracking technologies) at interaction sa Booking.com platform para padalhan ka ng personalized marketing messages (halimbawa: sa push notifications o email) mula sa Booking.com, kasama ang promotions, search assistant messages, Genius at iba pang reward, travel experiences, surveys, at updates tungkol sa products at services ng Booking.com. Puwede kang mag-unsubscribe sa pagtanggap ng email marketing communications nang mabilis, madali, at anumang oras. Kailangan mo lang i-click ang link na “Mag-unsubscribe” na kasama sa bawat newsletter at iba pang komunikasyon, o i-manage ang iyong mga preference sa pamamagitan ng settings ng account mo.

    2. Batay sa iyong interaction sa Booking.com platform (nakolekta sa pamamagitan ng cookies at katulad na tracking technologies), ang personalized marketing messages mula sa Booking.com, kasama ang promotions, search assistant messages, Genius at iba pang reward, travel experiences, surveys, at updates tungkol sa products at services ng Booking.com ay maaaring ipakita sa iyo sa o tungkol sa Booking.com website, mobile apps, o sa third-party websites/apps (kasama ang social media websites), at posible ring personalized ang content ng website na ipinapakita sa iyo. Maaaring offers at recommendations ito na sa palagay namin ay magiging interesado ka, na puwede mong direktang i-book sa Booking.com platform, sa mga co-branded website, o sa iba pang third-party website. Maaaring gawin ang ilan sa mga recommendation na ito batay sa personal data na nakolekta namin mula sa iyo sa iba't ibang pagbisita sa aming platform at/o sa iba't ibang device, kahit na hindi ka naka-log in. Naglalaman ang aming page na Ano ang ginagawa namin ng iba pang impormasyon sa aming Ranking at Recommender systems, kasama ang kung paano mo puwedeng i-manage ang iyong personalization preferences.

    3. Kapag sumali ka sa ibang promotional activities (tulad ng sweepstakes, referral programs o competitions), nauugnay na impormasyon lang ang gagamitin para pamahalaan ang mga promotion na ito.

  6. Pakikipag-ugnayan sa iyo: Maaaring may ilang pagkakataon na kokontakin ka namin, kasama rito ang paggamit ng email, push notification, chatbot, post, phone, o text message at/o magpoproseso ng komunikasyon na ipinadala mo sa amin.

    May ilang posibleng dahilan para dito, kasama ang:

    1. Pagsagot sa at pag-aasikaso ng anumang request na ginawa mo o ng iyong na-book na Trip Provider. Inaalok din ng Booking.com ang mga customer at Trip Provider ng iba’t ibang paraan para magpalitan ng impormasyon, requests, at comments tungkol sa Trip Providers at existing Trip Reservations gamit ang Booking.com. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang section na may pamagat na “Paano pinoproseso ng Booking.com ang mga komunikasyon na ipinapadala mo at iyong Trip Provider sa pamamagitan ng Booking.com?”.

    2. Kung nagsimula ka na pero hindi mo natapos online ang Trip search o Reservation, maaaring kontakin ka namin para imbitahang ipagpatuloy ang iyong search o reservation. Naniniwala kaming makikinabang ka sa karagdagang service na ito dahil hahayaan ka nitong balikan ang proseso kung saan ka nahinto nang hindi na kailangang hanapin ang Trip Provider o punan muli ang iyong reservation details.

    3. Kapag ginamit mo ang aming products at services, maaari ka naming padalhan ng questionnaire o imbitahang magbigay ng review tungkol sa iyong experience sa Booking.com o sa Trip Provider.

    4. Papadalhan ka rin namin ng ibang material na may kaugnayan sa Trip Reservations mo, katulad ng kung paano kontakin ang Booking.com kung kailangan mo ng tulong habang nasa biyahe ka, at impormasyon na sa palagay namin ay makakatulong sa iyo sa pagpaplano o pag-maximize ng iyong Trip. Maaari ka rin naming padalhan ng material na may kaugnayan sa papalapit na Trip Reservations o summary ng nakaraang Trip Reservations na ginawa mo sa pamamagitan ng Booking.com.

    5. Kahit wala kang papalapit na Trip Reservation, maaari ka pa rin naming padalhan ng ibang administrative messages, na maaaring kasama ang security alerts.

    6. Kung may misconduct, maaari kaming magpadala sa iyo ng notice at/o warning.

  7. Market research: Iniimbitahan namin minsan ang aming mga customer na maging bahagi ng market research. Tingnan ang impormasyong kasama sa uri ng imbitasyong ito para maintindihan kung ano ang personal data na kokolektahin at paano gagamitin ang data.

  8. Pag-improve ng aming services: Gumagamit din kami ng personal data para sa analytical na mga layunin at product improvement, tulad ng pag-alok ng mas personalized na experience batay sa kung paano mo o ng mga customer na katulad mo, na may katulad na interes, ginagamit ang aming platform para sa pag-book ng iyong napiling accommodation sa amin. Dagdag pa, maaari naming iproseso ang user ID mo, na naka-link sa iyong email address na ginamit para gumawa ng account mo, para sa layuning pagsukat sa audience na bumibisita sa aming mga website. Maaari ding gamitin ang personal data mo para sa pag-develop at pagpapaganda ng aming mga machine-learning model at artificial intelligence tools. Bahagi ito ng aming pangako na gawing mas maayos ang aming services at pagandahin ang user experience.

    Sa pagkakataong ito, ginagamit namin ang data para sa testing at troubleshooting na mga layunin, pati na sa pag-generate ng statistics tungkol sa aming business. Ang pangunahing layunin dito ay makakuha ng insights kung paano naisasakatuparan ang aming services, paano ginagamit ang mga ito, at lalo na para i-optimize at i-customize ang aming website at mga app, para mas madali at mas makabuluhan ang paggamit ng mga ito. Hangga’t maaari, nagsisikap kaming gumamit ng personal data na anonymous at walang identity para sa analytical work na ito.

    Para makamit ang layunin na ito, maaari naming pagsamahin ang personal data na kinokolekta namin mula sa iyo sa iba't ibang pagbisita sa aming platform o mga pagbisita sa iba't ibang device, kahit na hindi ka naka-log in.

  9. Binibigay ang best price na naaangkop sa ‘yo, depende kung saan ka matatagpuan: Kapag nag-search ka sa aming mga app o website, halimbawa para maghanap ng accommodation, car rental, o flight, pinoproseso namin ang iyong IP address para i-confirm kung nasa European Economic Area (EEA) o sa ibang bansa ka ba. Ginagawa namin ito para ialok sa iyo ang best price para sa rehiyon (EEA) o bansa (hindi EEA) kung saan ka matatagpuan.

  10. Customer reviews at ibang impormasyon na may kaugnayan sa destinasyon: Sa panahon at pagkatapos ng iyong Trip, maaari ka naming padalhan ng imbitasyon para magpasa ng review. Posible rin namin itong ipagawa sa mga tao na kasama mong mag-travel o sa taong pinag-book mo ng reservation. Hihingi ang imbitasyong ito ng impormasyon tungkol sa Trip Provider o destinasyon.

    Kung mayroon kang Booking.com account, puwede mong piliin na magpakita ng screen name sa tabi ng iyong review, sa halip na totoong pangalan mo. Kung gusto mong mag-set ng screen name, puwede mo itong gawin sa iyong account settings. Posible ring maglagay ng avatar.

    Sa pagkumpleto ng review, sumasang-ayon kang puwede itong ipakita (tulad ng detalyadong pagkakasalarawan sa aming Terms at Conditions), halimbawa, sa information page ng nauugnay na Trip Provider sa aming mga website, sa aming mobile apps, sa aming social media accounts at social media apps, o sa online platform ng kaugnay na Trip Provider, o sa website ng business partner. Ito ay para ipaalam sa ibang travelers ang kalidad ng Trip Service na ginamit mo, ang destinasyong napili mo, o iba pang experience na pipiliin mong ibahagi.

  11. Call monitoring: Kapag tumawag ka sa aming Customer Service team, gumagamit ang Booking.com ng automated telephone number detection system para itugma ang telephone number mo sa iyong existing reservations. Makakatulong ito para pareho kayong makatipid sa oras ng Customer Service staff. Pero maaari pa ring humingi ang aming Customer Service staff ng authentication, na makakatulong para mapanatiling confidential ang iyong reservation details.

    Habang nasa tawag kasama ng aming Customer Service team, maaaring may mangyaring live na pakikinig o puwedeng i-record ang mga tawag para sa quality control at training na mga layunin. Kasama rito ang paggamit ng mga recording para sa pag-aasikaso ng mga reklamo, legal claim, at para sa pag-detect ng panloloko.

    Hindi namin nire-record ang lahat ng tawag. Kung ni-record ang isang tawag, pinapanatili ang bawat recording sa loob ng limitadong panahon bago automatic na matanggal. Maliban na lang kung matukoy naming kailangang panatilihin ang recording para sa imbestigasyon ng panloloko o mga legal na layunin. Puwede mong basahin ang detalye tungkol dito sa ibaba.

  12. Pag-promote ng ligtas at mapagkakatiwalaang service: Para makalikha ng mapagkakatiwalaang lugar para sa iyo, mga taong isinama mo sa iyong Trip, business partners ng Booking.com, at aming Trip Providers at Booking.com, patuloy kaming nagsusuri at gumagamit ng mga partikular na personal data para maka-detect at maiwasan ang panloloko at iba pang hindi legal o hindi kanais-nais na gawain. Sa hindi malamang pagkakataon ng mga concern sa integridad at/o mga insidente sa kaligtasan, nagkokonsulta kami sa impormasyon na available sa publiko, at sa panahong ito, hindi namin mapipigilan na ang ilan sa impormasyong iyon ay maaaring magsama ng mga special category ng personal data.

    Katulad nito, gumagamit kami ng personal data para sa risk assessment at seguridad na mga layunin, kasama ang pagre-report mo ng safety concern, o para sa pag-authenticate ng users at reservations, o kapag nag-report ang iba ng panloloko o insidente sa kaligtasan tungkol sa iyo. Kapag ginawa namin ito, maaaring ipatigil o ipa-hold namin ang Trip Reservations hanggang sa matapos kami sa aming assessment. Para sa mga layunin ng pag-detect at pag-iwas sa panloloko at pinsala, at pagprotekta sa aming guests, business partners, Trip Provider, at Booking.com, maaari naming gamitin ang iyong contact information, reservation details, mga review, account information, browsing data, data sa lokasyon, data ng communications, o iba pang impormasyon na ibinigay mo o ng ibang tao sa Booking.com. Kung mayroon kaming mga concern tungkol sa seryosong hindi tamang pag-asal, maaari kaming magpasya na i-cancel ang iyong mga paparating na reservation o tanggihan ang mga reservation sa hinaharap sa pamamagitan ng aming platform.

  13. Legal na mga layunin: Sa ilang pagkakataon, maaaring kailangan naming gamitin ang iyong impormasyon para asikasuhin at lutasin ang legal claims at disputes, para sa mga regulatory investigation at compliance, para ipatupad ang Terms ng paggamit ng Booking.com online reservation service o para sumunod sa mga request na naaayon sa batas na mula sa mga tagapagpatupad nito.

    Kusang loob ang pagbibigay ng iyong personal data sa Booking.com. Pero maaaring ilang service lang ang maibigay namin sa iyo kung iilang personal data lang ang makokolekta namin. Halimbawa, hindi namin mapoproseso ang iyong Trip Reservation kung hindi namin makolekta ang iyong pangalan at contact details.

Para maproseso ang iyong personal data tulad ng nabanggit sa itaas, umaasa kami sa mga sumusunod na legal basis:

Bilang naaangkop, para sa layunin ng A at B, umaasa ang Booking.com sa legal basis na ang pagpoproseso ng personal data ay kinakailangan para sa performance ng kontrata, lalo na sa pag-finalize at pamamahala ng iyong Trip Reservation.

Kung hindi ibinigay ang kinakailangang personal data, hindi puwedeng i-finalize ng Booking.com ang Trip Reservation, o hindi rin kami makakapagbigay ng customer service. Sa layunin ng C hanggang L, umaasa ang Booking.com sa lehitimong interes nito (o ng mga third party) para magbigay at mag-improve ng services at para maiwasan ang panloloko at iba pang hindi legal na gawain (tulad ng mas detalyadong nabanggit sa ilalim ng C hanggang L). Bukod dito, sa hindi malamang pagkakataon na magproseso ang Booking.com ng mga special category ng personal data sa context ng layunin L, umaasa ang Booking.com, kung naaangkop, sa katotohanang nauugnay ang pagproseso sa personal data na hayagang isinasapubliko ng data subject.

Kapag gumagamit ng personal data para maisakatuparan ang lehitimong interes ng Booking.com o ng third party, babalansehin ng Booking.com ang karapatan at interes mo para protektahan ang iyong personal data laban sa mga karapatan at interes ng Booking.com o ng mga third party nito. Para sa mga layuning M, umaasa ang Booking.com, kung saan naaangkop, sa pagsunod sa mga legal na obligasyon (tulad ng mga request na naaayon sa batas na mula sa mga tagapagpatupad nito).

Kung saan kailangan sa ilalim ng naaangkop na batas, kukunin ng Booking.com ang consent mo (o maliban kung kinakailangan ng batas) bago iproseso ang iyong personal data, kasama ang cookies at katulad na tracking technologies at para sa mga layunin ng marketing.

Maaari naming gamitin ang iyong personal data para mag-develop at mag-train ng artificial intelligence (AI) models at/o systems kung saan ang layunin ng pagkolekta ng iyong data ay para ibigay o ma-improve ang aming services sa iyo. Mga legal na batayan sa paggamit ng AI na aming inaasahan:

  • Higit pa sa pag-iwas at pag-detect ng mga pagtatangka ng panloloko, maaaring magkaroon kami ng lehitimong interes sa pagbuo ng AI para ma-improve ang kahusayan at kalidad ng aming mga product at service. Palagi naming isinasaalang-alang kung ang iyong mga karapatan at kalayaan ay nalalabag at magpapatuloy lang kung saan ang lehitimong interes na ito ay hindi na-override ng iyong mga karapatan.

  • Sa ibang kaso kung saan maaari naming gamitin ang AI, hihingin namin ang iyong consent kung saan ito kinakailangan.

Kung gusto mong tutulan ang pagproseso na itinakda sa ilalim ng C hanggang L, o kung saan naaangkop, sa paggamit ng iyong personal data sa context ng AI at walang direktang paraan para hindi ka sumali (halimbawa: sa mga marketing email o account settings mo), kontakin kami sa dataprotectionoffice@booking.com o puntahan ang form.


Paano ibinabahagi ng Booking.com ang iyong data sa mga third party?

Sa ilang pagkakataon, ibabahagi namin ang iyong personal data sa aming mga third party. Kasama sa mga third party na ito:

  1. Ang iyong na-book na Trip Provider: Para makumpleto ang iyong Trip Reservation, inililipat namin ang nauugnay na reservation details sa iyong na-book na Trip Provider. Ito ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na ginagawa namin para sa iyo.

    Depende sa Trip Reservation at sa Trip Provider, puwedeng kasama sa detalyeng ibabahagi namin ang iyong pangalan, contact at payment details, ang mga pangalan ng taong kasama mo, at anumang impormasyon o preference na inilagay mo nang gawin ang iyong Trip Reservation.

    Sa ilang pagkakataon, nagbibigay din kami ng ilang karagdagang historical information tungkol sa iyo at sa Trip Provider. Kasama rito kung nakapag-book ka na sa kanila rati, ang bilang ng nakumpleto mong booking gamit ang Booking.com, ang patunay na walang na-report na hindi tamang pag-asal tungkol sa iyo, ang percentage ng mga booking na na-cancel mo dati, o kung nagbigay ka man ng mga review tungkol sa nakaraan mong bookings.

    Kung may tanong ka tungkol sa iyong Trip, maaari naming kontakin ang Trip Provider para asikasuhin ang request mo. Maliban na lang kung ginawa ang pagbayad habang nagbu-book, gamit ang Booking.com website, ipapadala namin ang iyong credit card details sa na-book na Trip Provider para maasikaso ito (kung sakaling naibigay mo sa amin ang detalyeng iyon).

    Sa mga pagkakataong may mga claim o dispute na may kaugnayan sa Trip Reservation, maaari naming ibigay sa Trip Provider ang contact details mo at iba pang impormasyon tungkol sa proseso ng booking, ayon sa kinakailangan para malutas ang sitwasyon. Maaaring kasama, ngunit maaaring hindi limitado rito, ang iyong email address at kopya ng reservation confirmation bilang katibayan na nagawa ang Trip Reservation o para kumpirmahin ang mga dahilan ng cancellation.

    Para maging kumpleto, ipoproseso pa ng Trip Providers ang iyong personal data, sa labas ng kontrol ng Booking.com. Maaari ding humingi ang Trip Providers ng karagdagang personal data, halimbawa para magbigay ng mga karagdagang service, o para sumunod sa mga local na restriction. Kung available, pakibasa ang Privacy Statement ng Trip Provider para maintindihan kung paano nila pinoproseso ang iyong personal data.

  2. Mga connectivity provider: Pakitandaan na maaaring kailanganin ng ilang Trip Provider na ibahagi namin ang iyong personal data sa isang nakakontratang Connectivity Provider para kumpletuhin at mapamahalaan ang iyong reservation. Kumikilos ang mga connectivity provider sa ngalan ng Trip Providers at tinutulungan silang pamahalaan ang kanilang mga reservation.

  3. Ang iyong local Booking.com office: Para suportahan ang paggamit ng Booking.com services, maaaring ibahagi ang detalye mo sa subsidiaries ng Booking.com corporate group, kasama ang para sa customer service. Para malaman ang iba pang tungkol sa Booking.com corporate group, puntahan ang Tungkol sa Booking.com.

  4. Mga third-party service provider: Gumagamit kami ng mga service provider sa labas ng Booking.com corporate group para suportahan kami sa pagbibigay ng aming services. Kasama rito ang:

    • Customer support

    • Market research

    • Pag-detect at pag-iwas sa panloloko (kabilang ang anti-fraud screening)

    • Mga insurance claim

    • Payment

      Gumagamit kami ng mga third party para iproseso ang payments, asikasuhin ang chargebacks, o magbigay ng billing collection services. Kapag may ni-request na chargeback para sa iyong Trip Reservation, kahit mula sa iyo o sa may-ari ng credit card na ginamit para ma-book ang reservation, kailangan naming ibahagi ang ilan na sa reservation details sa payment service provider at sa nauugnay na financial institution na nag-aasikaso ng chargeback. Maaaring kasama rito ang kopya ng iyong reservation confirmation o ang IP address na ginamit para gawin ang reservation. Maaari din kaming magbahagi ng impormasyon na nauugnay sa financial institutions, kung lubhang kinakailangan para sa pag-detect at pag-iwas sa panloloko na mga layunin.

      Kapag may ni-request na chargeback para sa iyong Trip Reservation, kahit mula sa iyo o sa may-ari ng credit card na ginamit para ma-book ang reservation, kailangan naming ibahagi ang ilan na sa reservation details sa payment service provider at sa nauugnay na financial institution na nag-aasikaso ng chargeback. Maaaring kasama rito ang kopya ng iyong reservation confirmation o ang IP address na ginamit para gawin ang reservation.

      Maaari din kaming magbahagi ng impormasyon na nauugnay sa financial institutions, kung lubhang kinakailangan para sa mga layunin ng pag-detect at pag-iwas sa panloloko.

    • Marketing services

      Nagbabahagi kami ng personal data sa mga advertising partner, kasama ang iyong email address, IP address at numero ng telepono, bilang bahagi ng pag-market ng Booking.com services gamit ang mga third party (para masigurong naipapakita sa tamang audience ang nauugnay na advertisements). Gumagamit kami ng mga technique tulad ng hashing para i-enable ang pagtugma ng iyong email address, IP address at/o numero ng telepono sa kasalukuyang customer database, para hindi magamit sa ibang mga layunin ang data na ito. Para sa impormasyon sa ibang personalized advertisements at mga pagpipilian mo, basahin ang aming Cookie Statement.

    • Advertising partners

      Gumagamit kami ng mga advertising partner, tulad ng metasearch providers, para payagan kang ikumpara ang aming offers sa offers mula sa ibang Online Travel Agencies (OTAs). Kapag gumawa ka ng reservation sa Booking.com pagkatapos gamitin ang advertising partner, ipapadala namin sa partner na iyon ang detalye ng reservation na ginawa mo sa Booking.com.

  5. Ibang professional third parties: Sa ilang kaso (tulad ng mga pagtatalo o legal na claim o bilang bahagi ng mga activity sa pag-audit), maaaring kailangan naming ibahagi ang iyong personal data sa mga professional na tagapayo. Kasama sa mga tagapayong ito ang mga party tulad ng mga law firm o auditor. Ibinabahagi lang namin ang iyong personal data sa hangganang kinakailangan at para maproseso ng mga third party ang data na ito nang naaayon sa kanilang mga professional na obligasyon.

  6. Competent authorities: Ipinapaalam namin ang personal data sa mga tagapagpatupad ng batas sa pagkakataong ipinag-uutos ng batas o lubhang kinakailangan para sa pag-iwas, pag-detect, o pag-uusig ng mga gawaing kriminal at panloloko. Maaaring kailanganin naming ipaalam ang personal data sa mga may kakayahang otoridad (kabilang ang mga otoridad sa tax at mga munisipalidad) para sumunod sa legal na obligasyon (halimbawa: sa ilalim ng mga batas sa panandaliang pag-upa), para protektahan at ipaglaban ang aming karapatan, o ang karapatan at mga property ng aming mga business partner.

  7. Business partners: Marami kaming mga katrabahong business partner sa buong mundo. Ang mga business partner na ito ang nagdi-distribute o naga-advertise ng Booking.com services, kasama na ang mga service at product ng aming Trip Providers.

    Kapag gumawa ka ng reservation sa isa sa mga website o app ng aming business partners, ang ilang personal data na ibibigay mo sa kanila, katulad ng iyong pangalan at email address, ang address mo, payment details, at ibang nauugnay na impormasyon, ay maaaring ipapadala sa amin para ma-finalize at ma-manage ang iyong Trip Reservation.

    Kung business partner ang naglaan ng customer service, ibabahagi ng Booking.com ang nauugnay na reservation details sa kanila (kung at kailan kailangan) para mabigyan ka ng tama at maayos na tulong.

    Kapag gumawa ka ng reservation sa pamamagitan ng isa sa mga website ng aming business partners, maaaring makatanggap ang business partners ng ilang bahagi ng iyong personal data na may kaugnayan sa partikular na reservation at ang interactions mo sa mga partner website na ito. Para ito sa kanilang commercial na mga layunin.

    Kapag gumawa ka ng reservation sa website ng business partners, maglaan din ng oras para basahin ang kanilang privacy notice kung gusto mong maintindihan kung paano nila pinoproseso ang iyong personal data. Sa mga business partner na ito, maaari kaming umakto bilang joint controllers. Kung pipiliin mong gamitin ang iyong karapatan sa data subject sa aming business partners, maaari kaming makipagtulungan para masiguro ang tamang tugon sa iyong request.

    Para sa mga layunin ng pag-detect at pag-iwas sa panloloko, maaaring makipagpalitan kami sa mga business partner ng impormasyon tungkol sa aming mga user, pero kung kailan lubhang kinakailangan lang.

    Kung gumawa ng insurance claim na may kaugnayan sa iyo at sa Trip Provider, maaari kaming magbigay ng kinakailangang data (kasama ang personal data) sa insurance company para sa higit pang pagproseso.

    • Partner offer: Maaari kaming magpakita sa iyo ng “Partner offer”. Kapag nag-book ka ng stay na may markang “Partner offer”, aasikasuhin ang reservation mo ng Trip Provider na hiwalay mula sa accommodation na iyong binu-book. Bilang bahagi ng reservation process, kailangan naming magbahagi ng ilang nauugnay na personal data sa business partner na ito.

      Kung nag-book ka ng Partner offer, i-review ang impormasyong ibinigay habang nagbu-book o i-check ang iyong reservation confirmation para sa iba pang impormasyon tungkol sa Trip Provider at kung paano pa nila ipoproseso ang iyong personal data.

  8. Ang Booking Holdings Inc. corporate group: Basahin ang detalye kung paano namin ibinabahagi ang iyong personal data sa Booking Holdings Inc. corporate group.

Global business ang Booking.com. Ang data na kinokolekta namin mula sa iyo, ayon sa isinalarawan sa Privacy Statement na ito, ay maaaring gawing accessible mula sa, i-transfer o itago sa loob ng mga bansa na maaaring walang parehong mga batas sa proteksyon ng data tulad ng bansa kung saan mo unang ibinigay ang impormasyon. Sa ganitong pagkakataon, poprotektahan namin ang iyong data tulad ng pagsasalarawan sa Privacy Statement na ito.

Maaaring mag-apply ito kung nasa European Economic Area (EEA) ka. Ang mga bansa kung saan maaaring i-transfer ang iyong data ay maaaring walang mga batas na nagbibigay ng parehong antas ng proteksyon para sa iyong personal data tulad ng mga batas sa loob ng EEA. Sa mga pagkakataong ito, maglalagay kami ng mga naaangkop na pag-iingat para matiyak na sumusunod ang mga pag-transfer na ito sa batas sa kaugnay na mga European na regulasyon.

Partikular na, kapag na-transfer ang iyong data sa third-party service providers, gagawa at magpapatupad kami ng nararapat na contractual, organizational, at technical na hakbang sa kanila. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga Standard Contractual Clause ayon sa inaprubahan ng European Commission, sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga bansa kung saan maaaring i-transfer ang data, at sa pamamagitan ng pagpapataw ng mga partikular na technical at organizational na hakbang sa security.

Sa ilang partikular na pagkakataon, tina-transfer namin ang iyong data sa labas ng EEA dahil nasa interest mo ito o kinakailangan ito para tapusin o isagawa ang kontrata namin sa iyo. Halimbawa, kapag gumawa ka ng reservation sa Booking.com o sa pamamagitan ng business partner, maaaring kailanganin namin i-transfer ang iyong data sa isang Trip Provider o business partner, na matatagpuan sa labas ng EEA.

Puwede kang humiling sa amin na makakita ng kopya ng aming mga ipinapatupad na pag-iingat (kung maaari) sa pamamagitan ng pagkontak sa amin sa dataprotectionoffice@booking.com.


Paano ibinabahagi ang iyong personal data sa Booking Holdings Inc. corporate group?

Bahagi ang Booking.com ng Booking Holdings Inc. corporate group. Available ang iba pang impormasyon sa Bookingholdings.com.

Maaaring makatanggap kami ng personal data tungkol sa iyo mula sa ibang mga company sa ilalim ng Booking Holdings Inc. corporate group, o ibahagi ang iyong personal data sa kanila para sa mga sumusunod na layunin:

  1. Para magbigay ng services (kabilang ang paggawa, pamamahala, at pag-manage ng mga reservation o pag-aasikaso ng payments)

  2. Para magbigay ng customer service

  3. Para ma-detect, maiwasan, at maimbestigahan ang mga mapanloko at hindi legal na ibang gawain at paglabag sa data

  4. Para sa layuning analytical at pag-improve ng aming product kung saan pinahihintulutan ng naaangkop na batas;

  5. Para magbigay ng personalized offers o magpadala sa iyo ng marketing materials na may consent mo o kung hindi man, pinapahintulutan ng naaangkop na batas

  6. Para sa hosting, technical support, overall maintenance, at pagpapanatili ng seguridad ng naibahaging data

  7. Para masiguro ang compliance sa mga naaangkop na batas

Kung naaangkop at maliban na lang kung iba ang tinukoy, para sa mga layuning A hanggang F, umaasa ang Booking.com sa mga lehitimong interes nitong magbahagi at tumanggap ng personal data. Para sa layuning G, umaasa ang Booking.com, kung saan naaangkop, sa compliance sa mga legal na obligasyon (tulad ng mga request na naaayon sa batas na mula sa mga tagapagpatupad nito). Sa EEA, sinisiguro rin ng Booking na dumadaloy ang data sa pagitan ng mga company sa corporate group ng Booking Holdings Inc. at sa mga nauugnay na European na regulasyon tulad ng Digital Markets Act.

Halimbawa, katuwang ng Booking.com ang Rentalcars.com para mag-alok ng ground transportation services sa mga customer. Basahin ang Paano ibinabahagi at higit na pinoproseso ang iyong personal data para sa ground transportation services? para sa iba pang impormasyon.

Maaaring kailanganing magpalitan ng personal customer data ang lahat ng company sa Booking Holdings Inc. group of companies para masigurong protektado ang lahat ng user mula sa mga mapanlokong activity sa online platforms nito.


Paano ibinabahagi at higit na pinoproseso ang iyong personal data para sa ground transportation services?

Ang Booking.com Transport Limited, nakikipag-trade bilang Rentalcars.com, ay private limited liability company, na kasama sa ilalim ng mga batas ng United Kingdom at may mga opisina sa 6 Goods Yard Street, Manchester, M3 3BG, United Kingdom.

Magkatuwang ang Booking.com at Rentalcars.com (parehong bahagi ng Booking Holdings Inc. group of companies) para alukin ka ng ground transportation services gamit ang mga Booking.com website at app, tulad ng cars.booking.com o taxi.booking.com.

Ang ground transportation services na inaalok ng mga Booking.com website at app ay pinapangasiwaan ng Rentalcars.com, sa ilalim ng Booking.com brand. Ibig sabihin nito, kapag nagbu-book o naghahanap ng ground transportation services gamit ang app o website, parehong may responsibilidad ang Booking.com at Rentalcars.com para sa pagkolekta at paggamit ng iyong personal data.

Bilang karagdagan sa data na pinoproseso para hayaan kang maghanap ng ground transportation services at gawin ang booking mo, malayang magagamit din ng Booking.com at Rentalcars.com ang iyong personal data. Naaayon ito sa mga layuning itinakda sa Privacy Statement na ito at sa Privacy Note ng Rentalcars.com.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa relasyon ng Booking.com at Rentalcars.com, at para gamitin ang karapatan mo sa tungkol sa iyong personal data na kinokolekta gamit ang mga Booking.com website at app, kontakin lang ang Booking.com anumang oras. Magagawa mo ito gamit ang email address na nakalagay sa “Sino ang responsable para sa pagproseso ng personal data gamit ang Booking.com at paano kami makokontak?”.


Paano ibinabahagi at higit na pinoproseso ang iyong personal data para sa insurance services?

Ang Booking.com Distribution B.V. ay sister company ng Booking.com na may mga registered office sa Oosterdokskade 163, 1011 DL, Amsterdam, Netherlands. Magkatuwang ang Booking.com at Booking.com Distribution B.V. para mag-alok sa mga customer ng iba’t ibang insurance product at service para sa mga Trip Reservation, halimbawa, ang insurance sa room cancellation.

Maaaring may iba’t ibang party, tulad ng mga intermediary, underwriter, at iba pang agent na kasali sa pag-alok ng insurance. Kapag kabahagi ang Booking.com Distribution B.V., kikilos ito bilang intermediary at otorisadong agent o itinalagang representative (depende sa hurisdiksyon) sa ngalan ng insurer, sa pamamagitan ng pag-alok ng insurance products at services sa mga customer ng Booking.com.

I-review ang impormasyong ibinigay habang nagbu-book, para sa iba pang impormasyon tungkol sa Booking.com Distribution B.V. at mga party na nakikipagtulungan sa Booking.com, para alukin ka ng products at services na ito. Makikita ang detalye ng insurance sa insurance policy at mga kaugnay na dokumentong ibinigay sa iyo.

Kapag nag-aalok ng insurance, ang Booking.com at Booking.com Distribution B.V. ay maaaring kailanganing gumamit at magbahagi ng personal data na may kaugnayan sa insurance product. Ang data na ito ay may kaugnayan sa iyo bilang posible o aktwal na policyholder, mga beneficiary sa ilalim ng policy, mga miyembro ng pamilya, taong nag-claim, at ibang party na kabahagi ng claim:

  • Para magbigay ng offers, maglaan ng insurance coverage at mag-asikaso ang mga insurance claim, maaaring ibahagi sa Booking.com Distribution B.V. ang ilang personal data na ibinigay sa amin sa proseso ng pag-book, (“General Order Data”) Maaaring hilingin din sa iyo na magbigay ng karagdagang impormasyon, tulad ng mga pangalan ng miyembro ng pamilya o ibang beneficiary o detalye tungkol sa claim (“Insurance-Specific Data”).

  • Kung gumawa ka ng claim sa ilalim ng insurance policy, maaaring direktang pangasiwaan ng insurer ang claim na ito. Ibig sabihin nito, maaaring hilingin sa iyo na magbigay ng personal data para maipasa ang claim nang direkta sa kanila. Ipapaalam ng insurer sa iyo ayon sa panahon ng pagkolekta sa iyong impormasyon. Kapag inasikaso ang iyong claim ng insurer, maaaring tumanggap ang Booking.com ng impormasyon tungkol sa status ng iyong claim para makapagbigay sa iyo ng customer support services.

Kapag kumikilos ang Booking.com Distribution B.V. bilang intermediaty para sa insurance products at services sa pamamagitan ng Booking.com, parehong may pananagutan ang dalawang kumpanya sa pagkolekta ng Insurance-Specific Data at paglilipat nito mula sa Booking.com papuntang Booking.com Distribution B.V. Gayunman, kumikilos ang Booking.com Distribution B.V. bilang tanging tagakontrol para sa anumang pagproseso sa labas ng mga Booking.com B.V. system. Ipoproseso ayon sa itinakda sa Privacy Statement na ito ang anumang personal data na kinolekta ng Booking.com para sa mga layunin ng insurance.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa relasyon ng Booking.com at Booking.com Distribution B.V., at para gamitin ang mga karapatan mo tungkol sa personal data na kinokolekta gamit ang mga Booking.com website at app, kontakin kami.

Paano pinoproseso ng Booking.com ang mga komunikasyong maaaring ipadala mo at ng iyong na-book na Trip Provider gamit ang Booking.com?

Puwedeng mag-alok ang Booking.com sa iyo at sa Trip Providers ng iba’t ibang paraan para makipag-ugnayan tungkol sa Trip Services at existing Trip Reservations, na dinidirekta ang mga komunikasyon gamit ang Booking.com. Hahayaan ka rin nito at iyong Provider na makontak ang Booking.com para sa mga tanong tungkol sa iyong Trip Reservation sa pamamagitan ng website, aming apps, at iba pang channel na ginawa naming available.

Ina-access ng Booking.com ang mga komunikasyon at maaaring gamitin ang automated system para i-review, i-scan, at i-analyze ang mga komunikasyon para sa sumusunod na dahilan:

  • Seguridad na mga layunin

  • Pag-iwas sa panloloko

  • Pagsunod sa legal at regulatory requirements

  • Mga pag-iimbestiga ng posibleng hindi tamang pag-asal

  • Product development at improvement

  • Research

  • Customer engagement (kasama ang pagbibigay sa iyo ng impormasyon at offers na pinaniniwalaan naming maaaring magustuhan mo)

  • Customer o technical support

May karapatan kaming i-review o i-block ang pagpapadala ng komunikasyon na, sa sarili naming pagpapasya, ay maaaring may malisyosong nilalaman o spam, o may banta sa iyo, sa Trip Providers, sa Booking.com, o sa iba pa.

Lahat ng komunikasyong naipadala o natanggap gamit ang Booking.com communication tools ay matatanggap at itatago ng Booking.com. Maaaring piliin ng mga Trip Provider at mga business partner kung saan ka nag-book ng Trip Reservation na makipag-ugnayan sa iyo nang direkta, gamit ang email o iba pang channel na hindi kontrolado ng Booking.com.


Paano ginagamit ng Booking.com ang mga mobile device?

Nag-aalok kami ng libreng apps para sa iba't ibang mobile device, pati na rin mga version ng aming regular website na na-optimize para sa pag-browse ng mobile at tablet.

Pinoproseso ng mga app at mobile website ang personal details na ibinigay mo sa amin sa parehong paraan tulad ng aming website. Hinahayaan ka rin ng mga ito na gamitin ang location services para hanapin ang malapit na Trip Services, kung gusto mo.

Dahil sa ibinigay mong consent, maaari ka naming padalhan ng push notifications na may impormasyon tungkol sa iyong Trip Reservation. Puwede mo rin kaming bigyan ng access sa iyong location data o contact details para maibigay ang services na ni-request mo. Kung mag-upload ka ng mga picture sa aming platform, maaaring kasama rin sa mga picture na ito ang location information (kilala bilang metadata). Basahin ang mga instruction ng iyong mobile device para maintindihan kung paano palitan ang settings at kontrolin ang pagbabahagi ng kategorya ng data na ito.

Kapag pinili mong gamitin ang aming “Voice Assistance” para maghanap ng aming mga service o i-manage ang iyong mga booking, anonymous na ita-translate sa text ng third party na service provider ang iyong sinabi. Kakailanganin mong magbigay sa amin ng access sa microphone ng iyong device para magamit ang feature na ito.

Para ma-optimize ang aming services at marketing activities, at para siguraduhing maibigay namin sa iyo ang consistent na user experience, gumagamit kami ng tinatawag na “cross-device tracking”. Puwede itong gawin nang gumagamit o hindi ng cookies. Para sa iba pang general information tungkol sa cookies at iba pang kaparehong technology, tingnan ang aming Cookie Statement.

Gamit ang cross-device tracking, nagagawang i-track ng Booking.com ang user activity sa iba't ibang device. Bilang bahagi ng cross-device tracking, maaari naming pagsama-samahin ang nakolektang data mula sa partikular na browser o mobile device sa data na mula sa ibang computer o device na ginagamit ng parehong customer.

Para ma-optimize ang laman ng Booking.com newsletter, pinagsama-sama namin ang mga search at reservation na ginawa mula sa iba't ibang computer at device. Puwede kang mag-unsubscribe mula sa Booking.com newsletter anumang oras.

Ang personalized ads na ipinapakita sa iyo sa ibang mga website o sa app ay puwedeng ialok batay sa iyong activities sa mga computer at device na naka-link. Sa pagpapalit ng cookie settings mo sa iyong device (tingnan ang aming Cookie statement sa ilalim ng “Ano ang mapagpipilian mo?”), mababago mo ang iyong cross-device tracking settings para sa mga layunin ng advertisement. Dapat alam mong kahit naka-log out ka sa iyong Booking.com account, makakatanggap ka pa rin ng personalized ads.


Paano ginagamit ng Booking.com ang social media?

Sa Booking.com, ginagamit namin ang social media sa iba't ibang paraan. Ginagamit namin ito para asikasuhin ang paggamit ng online reservation services, pati na rin sa pag-promote ng travel-related products at services ng aming Trip Providers, at para mag-advertise, mag-improve, at mag-asikaso ng sarili naming services.

Tandaan na puwedeng magresulta ang paggamit ng social media features sa palitan ng personal data sa pagitan ng Booking.com at social media service provider, tulad ng inilarawan sa ibaba. Puwede mong hindi gamitin ang anumang social media feature na available sa iyo.

  1. Mag-sign in gamit ang iyong social media account. Inaalok ka namin ng opportunity na mag-sign in sa Booking.com user account gamit ang isa sa iyong social media accounts. Ginagawa namin ito para mabawasan ang pangangailangan mong tandaan ang iba’t ibang username at password para sa iba-ibang online service.

    Pagkatapos mong mag-sign in nang isang beses, magagamit mo ang iyong social media account para mag-sign in sa iyong Booking.com account. Puwede mong ihiwalay ang iyong Booking.com user account mula sa napili mong social media account anumang oras mo gustuhin.

  2. Integration ng social media plugins. Na-integrate rin namin ang social media plugins sa Booking.com website at mga app. Ibig sabihin nito, kapag nag-click o nag-tap ka sa isa sa mga button (tulad ng “Like” button ng Facebook), ilang impormasyon ang naibabahagi sa mga social media provider na ito.

    Kung naka-log in ka sa iyong social media account kapag nag-click o nag-tap ka sa isa sa mga button na ito, maaaring iugnay ng iyong social media provider ang impormasyong ito sa iyong social media account. Depende sa iyong settings, maaaring ipakita nila ang mga aksyon na ito sa iyong social media profile, na makikita ng iba sa iyong network.

  3. Iba pang social media service at feature. Maaari din naming i-integrate ang ibang social media services (tulad ng social media messaging) para maka-interact mo ang Booking.com o iyong contacts tungkol sa aming services.

    Maaari din naming i-maintain ang social media accounts at offer apps sa iba’t ibang social media site. Sa tuwing kumokonekta ka sa Booking.com gamit ang social media, maaaring payagan ka ng iyong social media service provider na magbahagi ng impormasyon sa amin.

    Kung piliin mong magbahagi, karaniwang ipapaalam sa iyo ng iyong social media provider ang tungkol sa kung anong impormasyon ang ibabahagi. Halimbawa, kapag nag-sign in ka sa Booking.com user account gamit ang iyong social media account, maaaring ibahagi sa Booking.com ang ilang impormasyon mula sa account na iyon. Kabilang dito ang iyong email address, iyong edad at ang mga profile picture na na-save mo – depende sa kung ano ang pinahintulutan mo sa iyong social media account.

Kapag nag-register ka gamit ang Booking.com social media app o kumonekta sa social media messaging service nang walang Booking.com user account, ang impormasyong pinili mong ibahagi sa amin ay maaaring may kasamang basic information na available sa iyong social media profile (kasama ang iyong email address, status updates, at listahan ng iyong contacts).

Gagamitin namin ang impormasyong ito para magbigay ng service na ni-request mo, halimbawa, mag-forward ng message na gusto mong ipadala sa iyong contacts o gumawa ng personalized user experience sa app o sa aming mga website. Ibig sabihin nito na kung gusto mo, puwede kaming mag-customize ng aming services para bumagay sa pangangailangan mo, ikonekta ka at iyong mga kaibigan sa best travel destinations, at i-analyze at i-improve ang aming travel-related services. Paalala na hindi kami gumagamit ng WhatsApp o katulad na third-party services para mag-request ng mga booking o payment confirmation. Kung makakatanggap ka, halimbawa, ng WhatsApp message na hinihiling sa ‘yo na pumunta sa link para matiyak ang booking o makumpleto ang nauugnay na payment, ‘wag mag-reply sa message na ito o pumunta sa link. Sa halip, i-report ang message sa aming Customer Service team.

Mabibigyan ka ng karagdagang detalye ng iyong social media provider tungkol sa kanilang paggamit at pagproseso ng iyong data kapag kumokonekta ka sa Booking.com sa pamamagitan nila. Puwedeng kabilang rito ang pagsasama ng personal data na nakolekta nila kapag ginagamit mo ang Booking.com sa pamamagitan nila at ang impormasyong nakolekta nila kapag ginagamit mo ang ibang online platforms na na-link mo rin sa iyong social media account.

Kung magpasya kang ikonekta ang iyong Facebook o Google account, i-review ang sumusunod na links para sa impormasyon kung paano ginagamit ng mga party na ito ang data na natatanggap nila: Facebook at Google.


Paano kami gumagamit ng artificial intelligence at gumagawa ng mga automated na desisyon

Palagi kaming naghahanap ng mga pagkakataon para magbago at ma-improve ang customer experience sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagong technology tulad ng AI. Kasalukuyan naming ginagamit ang AI para sa mga sumusunod na layunin:

  1. Pag-promote ng ligtas at mapagkakatiwalaang service at pag-iwas sa panloloko.

  2. Ipinapakita sa iyo ang pinaka-relevant na content. Ginagamit namin ang AI para ma-improve ang customer experience at pag-personalize sa aming mga platform (tulad ng pagbibigay sa iyo ng mga naka-summarize na review). Maaaring kasama rito ang pagpapadala sa iyo ng mga detalye ng trip na sa tingin namin ay magiging interesado ka (kung saan ka pumayag sa communication na ito) at ranking ng mga search result para ilagay ang pinakamagandang match sa itaas ng iyong feed.

    Naglalaman ang aming page na Ano ang ginagawa namin ng iba pang impormasyon sa aming recommendation systems, kasama ang kung paano mo puwedeng i-manage ang iyong personalization preferences.

  3. Pag-improve ng aming services. Ginagamit namin ang AI para ma-improve ang mga trip service alinsunod sa mga detalyeng itinakda sa section na Bakit kinokolekta at ginagamit ng Booking.com ang iyong personal data? Kabilang dito ang pagkilala sa trends, pag-monitor sa mga pagpapatakbo ng platform, pag-troubleshoot sa aming mga website at app, pati na rin ang pag-improve ng services na inaalok namin sa iyo.

  4. Pagbuo ng mga interactive chat ng AI para hayaan kang magtanong tungkol sa biyahe o service at makatanggap ng AI-generated na mga nauugnay na sagot o itinerary suggestion.

  5. Pag-improve ng pagiging epektibo ng iba pang layunin na itinakda sa Privacy statement na ito.

Ina-assess namin ang aming AI laban sa data protection principles, tulad ng pag-minimize, accuracy, at limitasyon sa layunin. Gumagawa kami ng mga hakbang para maiwasan ang mga kamalian sa data, pinsala at mga bias mula sa aming paggamit ng AI.

Tingnan ang section na pinamagatang Ano ang mga security at retention procedure na inilagay ng Booking.com para pangalagaan ang iyong personal data? para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga pag-iingat na ipinapatupad namin na maga-apply rin sa personal data na pinoproseso namin para ma-train o gamitin ang AI.

Sa karamihan ng mga kaso, ang paggamit ng AI ay hindi nagreresulta sa naka-automate na desisyon na gagawin tungkol sa iyo. Kapag binigyan ka namin ng trip recommendation gamit ang AI, suggestion lang ito, at may kontrol ka sa kung paano ito gamitin.

Sa kasalukuyan, hindi kami gumagamit lang ng anumang naka-automate na system para gumawa ng desisyon tungkol sa iyo na nagreresulta sa legal o katulad na matinding epekto sa iyo. Ipapaalam namin sa iyo kung magbabago ito at sisiguruhin namin na naipatupad namin ang mga angkop na hakbang para pangalagaan ang iyong mga karapatan at kalayaan. Minsan, tumutulong ang AI sa desisyong gagawin namin. Ang AI na ginagamit para ipaalam o i-monitor ang platform, halimbawa para sa mga pagtatangka sa panloloko, ay hindi gagawa ng anumang desisyon na magkakaroon ng malaking epekto sa iyo. Kung may matukoy ang AI na posibleng issue, kukumpletuhin ng miyembro ng aming team ang pag-review at paggawa ng tamang desisyon. Sa mga limitadong kaso, maaari naming kumpletuhin ang paggawa ng desisyon nang walang taong nagre-review pagkatapos naming ma-assess na hindi magreresulta ang desisyon sa matinding epekto sa iyo.

Kung gusto mong malaman ang iba pa tungkol sa aming paggamit ng AI, kontakin kami tulad ng inilarawan sa section na Paano mo makokontrol ang personal data na ibinigay mo sa Booking.com?


Ano ang mga security at retention procedure na inilagay ng Booking.com para pangalagaan ang iyong personal data?

Mga mga nakatalaga kaming procedure para maiwasan ang hindi authorized na pag-access sa, at ang hindi wastong paggamit ng, personal data.

Gumagamit kami ng mga wastong business system at procedure para protektahan at pangalagaan ang iyong personal data. Gumagamit din kami ng mga security procedure, at technical at physical restriction para sa pag-access at paggamit ng personal data sa aming mga server. Ang authorized personnel lang ang pinapayagang mag-access ng personal data habang nasa kanilang trabaho.

Itatago namin ang iyong personal data hanggang sa kinakailangan para mabigyan ka ng kakayahang magamit ang aming services o para maibigay namin sa iyo ang aming services (kasama ang pag-maintain ng anumang Booking.com user account na maaaring mayroon ka), para sumunod sa mga naaangkop na batas, lutasin ang anumang dispute at kung hindi naman, para hayaan kaming gawin ang aming business, kasama na ang pag-detect at pag-iwas sa panloloko at iba pang hindi legal na activity. Kasama sa Privacy Statement na ito ang lahat ng personal data na itinatago namin tungkol sa iyo bilang customer ng Booking.com.

Para sa dagdag na proteksyon, lubos naming inirerekomendang mag-set up ka ng two-factor authentication para sa iyong Booking.com user account. Nagdadagdag ito ng extra authentication step, para masigurado na kung sinuman ang makakuha ng iyong username at password (halimbawa: sa pamamagitan ng phishing o social engineering) ay hindi makakapasok sa iyong account. Puwede mo itong i-set up sa Security section ng iyong account settings.


Paano inaasikaso ng Booking.com ang personal data ng mga bata?

Hindi nilaan ang aming services para sa mga bata na wala pang 18 taong gulang, hindi namin kokolektahin ang kanilang data maliban na lang kung ibigay ito ng (at kung may consent ng) magulang o guardian. Kasama sa mga limitadong pagkakataon na maaaring kailangan naming magkolekta ng personal data ng mga batang wala pang 18 na taong gulang ang: bilang bahagi ng reservation, pagbili ng ibang travel-related services, o sa iba pang bukod-tanging pangyayari (tulad ng mga feature na nakatuon sa mga pamilya). Muli, gagamitin at kokolektahin lang ito kung ibibigay ng magulang o guardian at nang may consent nila.

Kung malaman namin na may naproseso kaming impormasyon ng bata na wala pang 18 taong gulang at walang valid na pahintulot ng magulang o guardian, tatanggalin namin ito.


Paano mo makokontrol ang personal data na ibinigay mo sa Booking.com?

Gusto naming ikaw ang may kontrol sa kung paano namin gagamitin ang iyong personal data. Puwede mo itong gawin sa mga sumusunod na paraan:

  1. Gusto naming ikaw ang may kontrol sa kung paano namin gagamitin ang iyong personal data. Puwede mo itong gawin sa mga sumusunod na paraan:

  2. Puwede mong hilingin sa amin ang kopya ng personal data na pinanghahawakan namin tungkol sa iyo,

  3. Puwede mong ipaalam sa amin ang anumang pagbabago sa iyong personal data, o puwede mong hilingin sa amin na itama ang anuman sa personal data na pinanghahawakan namin tungkol sa iyo. Tulad ng ipinapaliwanag sa ibaba, puwede mong gawin mismo nang online ang ilan sa mga pagbabagong ito kung mayroon kang user account,

  4. Sa ilang sitwasyon, puwede mong hilingin sa amin na burahin, i-block, o i-restrict ang pagproseso ng personal data na pinanghahawakan namin tungkol sa iyo, o tutulan ang mga partikular na paraan kung saan ginagamit namin ang iyong personal data,

  5. Sa ilang sitwasyon, puwede mong hilingin sa amin na ipadala ang personal data na ibinigay mo sa amin sa third party,

  6. Kung saan namin ginagamit ang iyong personal data batay sa pinahintulutan mo, may karapatan kang bawiin ang ibinigay mong consent anumang oras na nakadepende sa naaangkop na batas, at

  7. Kung saan namin pinoproseso ang iyong personal data na batay sa lehitimong interes o pampublikong interes, may karapatan kang tumutol sa paggamit ng iyong personal data anumang oras, depende sa naaangkop na batas.

Umaasa kami sa iyo na siguraduhing ang iyong personal information ay kumpleto, accurate, at updated. Ipaalam mo rin sa amin ang anumang pagbabago sa, o hindi accurate sa, iyong personal information sa lalong madaling panahon.

Kung may Booking.com user account ka, puwede mong i-access ang karamihan sa iyong personal data sa pamamagitan ng aming website o apps. Karaniwan kang makakakita ng option para magdagdag, mag-update, o magtanggal ng impormasyon na mayroon kami tungkol sa iyo sa iyong account settings.

Puwede ring i-request ng mga user na may Booking.com account na i-delete namin ang iyong account gamit ang Booking.com app. Tandaan na puwedeng iba-iba ang mga feature ng app sa magkakaibang operating system at kanilang mga third-party software provider.

Kung may alinman sa iyong personal data na mayroon kami ang hindi accessible sa pamamagitan ng aming website o mga app, puwede mo kaming padalhan ng request.

Kung gusto mong gamitin ang iyong karapatan sa pag-access o pagbura, kailangan mo lang kumpletuhin at ipasa ang Data Subject Request para sa Booking.com Customers na form. Para sa anumang request na may kaugnayan sa Privacy Statement na ito, para gamitin ang anuman sa iba mo pang karapatan, o kung may reklamo ka, kontakin ang aming Data Protection Officer sa dataprotectionoffice@booking.com. Puwede mo ring kontakin ang iyong local data protection authority.

Kung gusto mong tutulan ang pagproseso ng iyong personal data batay sa lehitimong interes at wala ring direktang option para hindi ka sumali, kontakin kami sa dataprotectionoffice@booking.com.

Kung gusto mong kontakin kami gamit ang post, i-address ito sa Data Protection Officer at gamitin ang sumusunod na postal address: Oosterdokskade 163, 1011 DL, Amsterdam, Netherlands.


Sino ang responsable para sa pagproseso ng personal data gamit ang Booking.com at paano kami makokontak?

Kinokontrol ng Booking.com B.V. ang pagpoproseso ng personal data, tulad ng inilarawan sa Privacy Statement na ito, maliban na lang kung hindi ito talaga binanggit. Ang Booking.com B.V. ay isang private limited liability company, na kasama sa ilalim ng mga batas ng Netherlands at may mga opisina ito sa Oosterdokskade 163, 1011 DL Amsterdam, Netherlands.

Kung may tanong ka tungkol sa Privacy Statement na ito o tungkol sa aming pagproseso ng iyong personal data, puwede mong kontakin ang aming Data Protection Officer sa dataprotectionoffice@booking.com at babalikan ka namin sa lalong madaling panahon. Kung may tanong ka naman tungkol sa iyong reservation o kailangan mo ng customer service support, puntahan ang link na ito link.

Para sa mga tanong tungkol sa reservation, kontakin ang aming Customer Service team sa pamamagitan ng contact page ng Customer Service.

Ang mga request na mula sa tagapagpatupad ng batas ay kailangang ipasa gamit ang proseso ng Tagapagpatupad ng Batas.

Mga provision na partikular sa bansa

Depende sa batas na naka-apply sa iyo, maaaring kailanganin naming magbigay ng ilang karagdagang impormasyon. Kung naaangkop, may makikita kang karagdagang impormasyon para sa iyong bansa o rehiyon sa ibaba.

 

Sa tuwing ginagamit mo ang aming online services o apps, gumagamit kami ng cookies at iba pang online tracking technology (na tatawagin namin na “cookies” para sa layunin ng Cookie Statement na ito).

Magagamit ang cookies sa iba’t ibang paraan, kasama na ang pagpapagana ng Booking.com website, para mag-analyze ng traffic, o para sa advertising na mga layunin.

Magbasa sa ibaba para malaman ang detalye tungkol sa “cookie,” kung paano ginagamit ang mga ito at ano ang mapagpipilian mo.

Ano ang cookies at iba pang online tracking technology?

Paano ginagamit ang cookies?

Ano ang mapagpipilian mo?


Ano ang cookies at online tracking technologies?

Ang web browser cookie ay maliit na text file na inilalagay ng mga website sa web browser ng iyong computer o mobile device.

Tinatago ng cookies na ito ang impormasyon tungkol sa content na tinitingnan at ginagamit mo, para matandaan ang iyong preferences at settings, o i-analyze kung paano mo ginagamit ang online services.

Nahahati ang cookies sa “first party” at “third party”:

  • Ang first party cookies ay cookies na pinapagana ng may-ari ng domain – sa aming sitwasyon, ang Booking.com iyon. Anumang cookie na kami ang naglagay ay “first party cookie.”

  • Ang third party cookies ay cookies na inilagay sa aming mga domain ng mga pinili naming mapagkakatiwalaang partner. Puwedeng ang mga ito ay social media partners, advertising partners, security providers, at iba pa.

At ang mga ito ay puwedeng maging “session cookies” o “permanent cookies”:

  • Ang session cookies ay nananatili lang hanggang sa isara mo ang iyong browser, tinatapos ang tinatawag mong “session.” Tatanggalin pagkatapos ang mga ito.

  • Ang permanent cookies ay may iba’t ibang lifespan, at nananatili sa iyong device pagkatapos mong isara ang browser. Sa Booking.com platform, sinusubukan lang naming paganahin ang permanent cookies (o payagan ang permanent cookies na paganahin ng mga third party) na may limitadong lifespan. Pero para sa seguridad na mga dahilan, o sa iba pang kakaibang pangyayari, maaaring kailanganin naming bigyan nang mas mahabang lifespan ang cookie.

Maaaring magtago ang web browser cookies ng impormasyon tulad ng iyong IP address o isa pang identifier, uri ng browser mo, at impormasyon tungkol sa content na iyong tiningnan at ginamit sa mga digital service. Sa pagtatago ng impormasyong ito, matatandaan ng web browser cookies ang iyong preferences at settings para sa online services at maa-analyze kung paano mo ginagamit ang mga ito.

Bukod sa cookies, gumagamit din kami ng tracking technologies na sobrang magkakatulad. Maaaring maglaman ang aming website, emails, at mobile apps ng maliliit na transparent image file o mga linya ng code na nagre-record kung paano ka nag-interact sa mga ito. Kasama rito ang “web beacons,” “scripts,” “tracking URLs” o “software development kits” (na kilala bilang SDKs):

  • Maraming ibang pangalan ang web beacons. Maaaring kilala rin sila bilang web bugs, tracking bugs, tags, web tags, page tags, tracking pixels, pixel tags, 1x1 GIFs o clear GIFs.

    Sa madaling salita, ang web beacon ay maliit na graphic image ng isang pixel lang na puwedeng ipadala sa iyong device bilang bahagi ng web page request, sa app, sa advertisement, o sa HTML email message.

    Puwede itong gamitin para makakuha muli ng impormasyon mula sa iyong device, tulad ng uri ng device o operating system, IP address, at oras ng pagbisita mo. Ginagamit rin ito para paganahin at basahin ang cookies sa iyong browser o para i-trigger ang paglalagay ng cookie.

  • Ang scripts ay maliliit na computer program na nakapasok mismo sa aming web pages na nagbibigay sa mga page na iyon ng malawak at iba’t ibang extra functionality. Ginagawang posible ng scripts para gumana nang maayos ang website. Halimbawa, pinapagana ng scripts ang ilan sa security features at ine-enable ang basic interactive features sa aming website.

    Magagamit din ang scripts para sa analytical o advertising na mga layunin. Halimbawa, puwedeng mangolekta ng impormasyon ang script tungkol sa kung paano mo ginagamit ang aming website, tulad ng kung anong mga page ang pinupuntahan mo o ano ang hinahanap mo.

  • Ang tracking URLs ay mga link na may unique identifier sa kanila. Nagagamit ang mga ito para i-track kung aling website ang nagdala sa iyo sa Booking.com website o app na ginagamit mo. Halimbawa nito ay kapag nag-click ka mula sa social media page, search engine, o isa sa mga website ng aming affiliate partner.

  • Ang Software Development Kits (SDKs) ay bahagi ng source code ng aming apps at hindi tulad ng browser cookies, nakatago ang SDK data sa app storage.

    Ginagamit ang mga ito para i-analyze kung paano ginagamit ang mga app o para magpadala ng personalized push notifications. Para magawa ito, nagre-record ng unique identifiers ang mga ito na may kaugnayan sa iyong device, tulad ng device ID at IP address, pati na rin ang iyong in-app activity at network location.

Ang lahat ng tracking technology sa Privacy Statement na ito ay tatawaging “cookies” dito.


Paano ginagamit ang cookies?

Ginagamit ang cookies para kumolekta ng impormasyon, kasama ang:

  • IP address

  • Device ID

  • Tiningnang pages

  • Uri ng browser

  • Browsing information

  • Operating system

  • Internet service provider

  • Timestamp

  • Kung sumagot ka ba sa advertisement

  • Ang referring URL

  • Features na ginamit o activities na sinalihan sa website/mga app

Hinahayaan ng mga ito na makilala ka bilang ang parehong user sa iba’t ibang page ng website, sa iba’t ibang device, sa pagitan ng mga website o kapag gumagamit ka ng aming mga app. Pagdating sa layunin, nahahati ito sa tatlong kategorya – functional cookies, analytical cookies, at marketing cookies.

Functional cookies

Kailangan ang cookies na ito para gumana ang aming mga website at app, at kailangan na naka-enable ang mga ito para magamit mo ang aming services.

Ginagamit ang functional cookies para gawing technologically advanced at user-friendly ang mga website at app na automatic na nakaka-adapt sa iyong mga pangangailangan at preference para madali ang pag-browse at pag-book. Kasama rin dito ang pag-enable ng mahahalagang security at accessibility feature.

Ang cookies na ito ay partikular na:

  • Ine-enable ang aming mga website at app para gumana nang maayos, at sa gayon makagawa ka ng account, makapag-sign in, at maka-manage ng iyong bookings.

  • Tinatandaan ang pinili mong currency at language settings, mga dating hinanap, at iba pang preference para matulungan kang gamitin ang aming mga website at app nang mas maayos at mas makabuluhan.

  • Tinatandaan ang iyong registration information, sa gayon hindi mo na ita-type muli ang iyong login credentials sa tuwing pupunta ka sa aming website o app. (Huwag mag-alala, palaging encrypted ang mga password.)

Analytical cookies

Sinusukat at tina-track ng cookies na ito kung paano ginagamit ang aming mga website at app. Ginagamit namin ang impormasyong ito para i-improve ang aming mga website, app, at service.

Ang cookies na ito ay partikular na:

  • Tinutulungan kaming maintindihan kung paano ginagamit ng visitors at customers na tulad mo ang Booking.com at aming mga app.

  • Tinutulungang i-improve ang aming website, apps, at mga komunikasyon para siguraduhing nakakahikayat at napapanahon ito.

  • Hinahayaan kaming malaman kung ano ang gumagana at hindi sa aming website at mga app.

  • Tinutulungan kaming maintindihan ang pagiging epektibo ng advertisements at mga komunikasyon.

  • Tinuturuan kami kung paano mag-interact ang users sa aming website at mga app pagkatapos maipakita sa kanila ang online advertisement, kasama ang advertisements sa mga third party website.

  • Ine-enable ang aming business partners na matutunan kung ginagamit ba o hindi ng kanilang customers ang anumang accommodation offer na naka-integrate sa kanilang mga website.

Maaaring kasama sa data na kinakalap namin sa pamamagitan ng cookies na ito ang web pages na iyong tiningnan, ang referring/exit pages na pinasukan at inalisan mo, ang uri ng platform na iyong ginamit, ang emails na binuksan at inaksyunan mo, at ang date at time stamp information. Ibig sabihin din nito, magagamit namin ang detalye tungkol sa kung paano ka nag-interact sa website o app, tulad ng bilang ng clicks na iyong ginawa sa partikular na screen, ang paggalaw ng iyong mouse at scrolling activity, ang mga salitang ginamit mo sa pag-search, at text na inilagay mo sa iba’t ibang field.

Marketing cookies

Ginagamit ang cookies na ito ng Booking.com at aming mga trusted partner para mangalap ng impormasyon tungkol sa iyo pagtagal, sa iba’t ibang website, application, at iba pang platform.

Nakakatulong sa amin ang marketing cookies para magpasya kung anong products at services at interest-based advertisements ang ipapakita sa iyo, sa parehong online at offline ng aming mga website at app.

Ang cookies na ito ay partikular na:

  • Ilagay ka sa kategorya ng ilang interest profile, halimbawa, batay sa mga website na pinupuntahan mo at iyong click behavior. Ginagamit namin ang mga profile na ito para ipakita ang personalized content (tulad ng travel ideas o partikular na mga accommodation) sa Booking.com at iba pang website.

  • Nagpapakita ng personalized at interest-based advertisements sa parehong Booking.com website, aming apps, at iba pang website. Tinatawag itong “retargeting” at batay ito sa iyong browsing activities, tulad ng mga destinasyong hinahanap mo, accommodation na tiningnan mo, at mga presyong ipinakita sa iyo. Puwedeng batay rin ito sa iyong shopping habits o iba pang online activity. Pangunahing ginagamit ng Booking.com ang services mula sa Criteo B.V., Herengracht 124, 1015 BT Amsterdam, Netherlands, para sa individual retargeting ads batay sa impormasyong kinolekta sa aming website. Gamit ang mga algorithm nito, ina-analyze ng Criteo ang surfing behavior at pagkatapos, ipapakita ang targeted product recommendations bilang personalized ad banners sa iba pang website. Hinahayaan din kami ng pixel technologies ng Criteo na ma-evaluate ang aming ad campaigns. Makikita mo ang iba pang impormasyon tungkol sa technology ng Criteo sa Privacy policy ng Criterio.

    Puwedeng ipakita ang retargeting ads sa iyo bago at pagkatapos mong umalis ng Booking.com, dahil ang kanilang layunin ay hikayatin kang mag-browse at bumalik sa aming website. Maaaring makita mo ang ads na ito sa mga website, app, o email.

  • I-integrate ang social media sa aming website at mga app. Hinahayaan ka nitong mag-like o mag-share ng content o products sa social media tulad ng Facebook, Instagram, YouTube, Twitter, Pinterest, Snapchat, at LinkedIn.

    Gumagana ang “like” at “share” buttons na ito gamit ang mga bahagi ng code mula sa individual social media providers, kaya pinapayagan ang third party cookies na mailagay sa iyong device.

    Puwedeng functional lang ang cookies na ito, pero magagamit din ang mga ito para sundan ang mga website na pinuntahan mo mula sa kanilang network, para buuin ang profile ng iyong online browsing behavior, at ipakita sa iyo ang personalized ads. Bahagyang bubuuin ang profile na ito gamit ang comparable information na natanggap ng providers mula sa iyong mga pagbisita sa iba pang website sa kanilang network.

    Para basahin ang detalye tungkol sa kung ano ang ginagawa ng social media providers sa iyong personal data, tingnan ang kanilang mga cookie at/o privacy statement: Facebook (kasama ang Instagram, Messenger, at Audience Network), Snapchat, Pinterest, at Twitter. Tandaan na maaaring ma-update ang mga statement na ito paminsan-minsan.

Nakikipag-partner kami sa mga mapagkakatiwalaang third party para mangolekta ng data. Maaari rin kaming magbahagi ng impormasyon sa mga third party na ito, tulad ng iyong email address o phone number. Maaaring i-link ng mga third party na ito ang iyong data sa ibang impormasyon na kinokolekta nila para makagawa ng customized audiences o magpadala ng targeted ads. Para sa impormasyon kung paano pinoproseso ng mga third party na ito ang iyong data, tingnan ang sumusunod na links: Paano ginagamit ng Google ang impormasyon, Data policy ng Facebook.

Maaari rin kaming gumamit ng techniques, tulad ng pixels, na hindi namin minamarkahan bilang cookies dahil hindi ito nagtatago ng anumang impormasyon sa iyong device.

Minsan naglalagay kami ng pixels sa mga email, tulad ng newsletters. Ang “pixel” ay isang electronic file na may sukat ng isang pixel, na nakalagay sa email at naglo-load kapag binuksan mo ito. Sa paggamit ng email pixels, makikita namin kung naipadala ang message, at kung nabasa mo ang message at ano ang na-click mo.

Natatanggap din namin ang impormasyong ito tungkol sa push notifications na ipinapadala namin sa iyo. Nagbibigay ang statistics na ito sa amin ng feedback tungkol sa iyong reading behavior, na ginagamit namin para i-optimize ang aming messages at gawing mas nakakahikayat ang aming komunikasyon para sa iyo.


Ano ang mapagpipilian mo?

Para malaman ang detalye tungkol sa cookies at kung paano i-manage o tanggalin ang mga ito, puntahan ang allaboutcookies.org o ang Help section sa iyong browser.

Sa settings ng mga browser tulad ng Internet Explorer, Safari, Firefox, o Chrome, puwede mong piliin kung anong cookies ang iyong tatanggapin at tatanggihan. Nakadepende sa browser na ginagamit mo kung saan mo makikita ang settings na ito:

Kung piliin mong i-block ang ilan sa functional cookies, maaaring hindi mo magamit ang ibang features ng aming mga service.

Bilang karagdagan sa partikular na settings na maaari naming ialok sa Booking.com at mga app, puwede mo ring tanggihan ang ilang cookie:

  • Analytics

    Para pigilan ang Google Analytics mula sa pagkolekta ng analytical data sa ilang uri ng browser, puntahan ang sumusunod na link: Google Analytics Opt-out Browser Add-on (available lang sa desktop).

  • Advertising

    Palagi naming nilalayon na maka-partner ang advertising at marketing companies na miyembro ng Network Advertising Initiative (NAI) at/o Interactive Advertising Bureau (IAB).

    Ang mga miyembro ng NAI at IAB ay sumusunod sa industry standards at codes of conduct at hinahayaan kang hindi sumali sa behavioral advertising.

    Pumunta sa www.networkadvertising.org para makita ang NAI members na maaaring naglagay ng advertising cookies sa iyong computer. Para huwag sumali sa behavioral advertising program ng anumang NAI member, i-check lang ang box na tumutugon sa company.

    Maaari mong puntahan ang www.youronlinechoices.com o www.youradchoices.com para malaman ang detalye kung paano hindi sumali sa customized ads.

    Posibleng hayaan ka ng iyong mobile device na limitahan ang impormasyong ibabahagi para sa retargeting na mga layunin sa pamamagitan ng settings nito. Kung piliin mo ito, magandang alam mo na ang hindi pagsali sa online advertising network ay hindi nangangahulugang hindi mo na makikita o hindi ka mapapabilang sa online advertising o marketing analysis. Ibig sabihin lang nito, ang network na pinili mong huwag salihan ay hindi na magpapadala ng ads na naka-personalize sa iyong web preferences at browsing patterns.

May ilang website na may “Do Not Track” features para hayaan kang sabihin sa website na huwag kang sundan. Sa ngayon, hindi pa namin masuportahan ang “Do Not Track” browser settings.

Paano kami kokontakin

Kung may anumang tanong tungkol sa cookie statement na ito, magpadala ng email sa dataprotectionoffice@booking.com.

Maaaring ma-update ang aming cookie statement paminsan-minsan. Kung mahalaga ang mga update na ito, partikular na nauugnay sa iyo o may epekto sa iyong karapatan sa data protection, makikipag-ugnayan kami sa iyo tungkol sa mga ito. Pero inirerekomenda naming puntahan ang page na ito nang madalas para manatiling updated sa iba pang (hindi kalakihan o bahagyang nauugnay na) update.

  翻译: